Cheesy na keso pa. Lol.
I was praying na (hoping pa) na sana may DESPICABLE ME pa.. kase late na late na kame manunuod, anyways it got lots of good reviews from people who had watch already.
Punta muna kame sa Cinema booth sa Festival Mall, 5:50pm pa yung next start nung movie, at since gutom na gutom na kame, kumaen muna kame. Half hour din kame naghahanap ng makakainan, yung medjo mabigat sa tiyan (Bigatin kame eh).
Nauwi kame sa Tokyo tokyo, at super Kain All you Can kame dun. Ang takaw-takaw ni Mayk, as in. (Ako din, pero hindi ko pa rin siya mapantayan).
At nanuod na kame DESPICABLE ME, grabe tagal bago magsimula sa Festi ng movie, nakakaantok tsaka boring, puro Justin Bieber yung tinutugtog.
Ang cute lang ni Agnes, haha sana may ganun na ka cute na bata sa totoong buhay. Lalo na nung sumigaw siya ng "It's so FLUFFY I'm gonna die!!"
Ang ganda din na sobrang nabago nung mga bata si Gru. Kase nung una, parang wala naman talaga siya interest na maging Daddy nung mga bata, pero in the end, yung mga bata nagpasaya sa kanya.
Nakakatawa din yung mga Minions ni Gru, yung mga green na parang stuff toy? Haha. Kahit di ko maintindihan mga salita nila, nakakatawa pa din sila.
Nakakatawa yung buong movie, nasabi ko yun kase tawa ng tawa si Mayk, haha. Yung tipong hindi makahinga kakatawa ah. Iba yung tawa niya, parang nanunuod ng Jackass. Haha.
Kumaen kameng sundae, kwek kwek tapos mamon. Haha. Busog na busog at sulit na sulit ang araw na ito.
Happy monthsary sa aming dalawa... hmmm.... Love you Mikolo..
Have a nice day!!!
