Wednesday, May 16, 2012

SALAMAT KAIBIGAN

Namiss ko bigla ang pahina na ito. Actually napadaan lang.. at nagbabadya na baka gamitin ko ulit ang blog na ito na marami-rami na ring pinagdaanan at marami na ring nalagpasan na pagkakataon.

Bigla ko lang na-realize na hindi ko pa napapasalamatan ang madami sa mga taong nakilala ko dito sa showbiz.. este sa blogsphere... Hindi ako mag-aapologize sa ginawa kong pag-abanduna dito sa blog ko.. ginusto ko yun, fickle minded ako, at kailangan niyong tanggapin yun.

Medjo nalulungkot ako dahil hindi ko mapagsabay ang buhay kong normal, at ang buhay ko dito sa blogsphere.. Sa totoo kase, kung gusto mo ng usapan na may laman, kailangan ko umupo dito sa harap ng computer ng mga 1 - 4 hours, at sa totoong buhay ko ngayon, ubos oras yun.

Hindi naman sa madami akong ginagawa talaga, madami lang din iniisip, sa sobrang dami, hindi ko na alam kung kailangan ko ba isulat lahat, kase kung ganun, sana pinalitan ko na lang ang title ng pag na ito ng, RANT TO KILL.

LOL...

NON SENSE post ng dumadalaw na manunulat.

Sunday, October 23, 2011

If you're in doubt, discard.

I don't encourage young readers to read this article. Make sure you're 18-year-old and above. And also, this entry is purely opinionated. So feel free to agree or disagree.
***
If your boyfriend ask you to get on the next level, would you say yes or no? Frankly, I'm talking about sex here.

You can do it all right, but the real question here is would you regret it afterwards?

Having sex is as casual as it get on other countries in the world. While few on our own believe the same, most Filipino still believe in marriage before intersection. For our defense sex is a sacred thing to do and it is a social norm to be involve only with this kind of activities with your spouse. Anyhow, we're not blind, so we know that not a few engage to this kind of activities even if not married. But still, we Pinoys usually want to give the best of ourselves to someone we believe (take note I say believe) will be ours forever and not just a mere stranger we met at the bar.

If this is something we can chat about in front of our family dinner, what do you think your subsequently hiding while making-out with your partners are for? I know it's thrilling. It's pleasurable. But in the end it could be possibly just 90% lust or more. Parent's are futuristic, the moment they caught you in the couch locked lips with a guy, is also the moment they already envision you being an undergraduate, jobless, single-mom with a poor baby to care for.

People say don't do it, because it is much safer to give an advice that way. But on my opinion, you can do it if you think you are responsible enough to carry the consequences. Oh and I'm NOT only talking about getting pregnated and the like in here, I am also talking about the emotions you'll experience afterwards. Some guys could easily dump you after getting what they want, and you don't want that to happen to you, right?

If a guy tell you he'll leave you because you don't want a trip to the bed, well obviously you know the principle in this idea, use your brain. That guy is a jerk and avoid jerk people. Remember that if you start giving him some, he'll want more, and some more and more more more. It's a never ending bargain till you had lost it all.

Anyway, I'm saying this because girls do have the privilege to say no, even if you're already in a dark, sexy, hot place, wooohoo, where you can freely do the deed. Stop and think. You're a super woman and I confidently tell you that. Why?

In digestion (clearly, this word looks lost in here but please continue reading), remember how you feel sleepy after eating a heavy meal for lunch? That is because almost all of our brain juices and most of our body blood circulates down to our tummy for metabolism. That's a principle you must remember. Meanwhile, the same principle also applies when a guy is having his flag ceremony. Less blood circulation to their head and more to their, uhhmmm, other head. Not that they don't think, but they think less during that peak. You, as a girl, can think more, so obviously, decide for it.

Unless your interested in a one night stands and the like, I won't argue with you. But to those who are not, let me tell you that after the pleasure, the sweat, the peak, the climax and what's not, there's a thick dull period, that say, "BANG! Okay I'm done", and it is as if nothing happen, like a boss.

"Don't do sex" is a slogan for social norm. It's safer and it is cheaper for explanation. I do respect that. But I'd rather say: "If you're in doubt, discard." 

Again, you can do it if you think your responsible enough, but sadly that's not all you should think about. I told you to take note of the word believe, right? This is if you believe without doubt that your guy could also be responsible enough of the same consequences as yours. So if you're in doubt of his maturity, I mean even just a little tiny bubbly little doubt, DISCARD! Or maybe just wait a little longer to drop the bomb.

You're not in a marathon, so don't hurry! You don't need to do it even if everybody's been doing it. There's a right moment for everything, so be patient. So, yes or no?

Monday, October 17, 2011

Lubayan mo me!

Nakakaloka... sinusubukan ko naman magpakabuti... hay.. pero ewan ko ba.. pag nakakasalamuha ko tong nag-iisang tao na toh.. di ko mapigilang demonyohin.

Sabi pa naman nung linggo nung umattend ako sa binyag nung anak ng kaibigan ko.. sabi ng preacher.. matutong MAGPATAWAD! pero ang hirap! Buti na lang sabi niya.. it TAKES TIME!... Parang sa puso ko kase hindi ko pa talaga kaya na hindi MAINIS... oo hindi GALIT.. kundi MAINIS sa kanya... sa prisensya niya sa buhay ko.

Pero.. gawa pa rin siya ni LORD... nanjan siya.. masama siya o mabuti.. may purpose pa rin siya.. at maaaring kaya nanjan siya sa buhay ko kase may PURPOSE siya sa buhay ko.. kailangan ko na lang tanggapin. LOL. ANSABE ko?


Hehehehehehhe..

Salamat sa mga nagbasa pa rin last time... :) Masaya ako at nagbasa kayo... penge lang oras at panahon para ayusin ang napaka-ORANGE kong blog... kase naman SEMBREAK.. pero parang hindi naman... dami ko ginagawa..pero okay lang.. LAPIT NA me graduate!!! :)

Monday, October 10, 2011

Waka waka.. eh eh.. TIWALA

This was a terrible blog! I've been gone for so long na ewan ko na nasaan ang lugar ko sa blogsphere. Hahahaha. I'm not actually, I was never really gone. Yung isa kong blog na ginawa ko after ko iwanan toh eh puro agiw na. Sasabihin ko sanang langaw ang madami, pero naisip kong hindi naman mabaho ang blog na yun. Sadyang wala lang talagang laman ang utak ko pagkatapos ko i-build ang blog na yun.

Ang dami ko gusto isulat. Ayan, bumalik na mga brain fluids ko. Ano na nga ulit? Ayuko pa sabihin kung magiging simula na ba ito muli ng pag-uupdate ko dahil, SEMBREAK lang kaya naging maluwag na namang muli ang panahon ko na mag-muni muni.

Anyway. Ang totoong dahilan ng pagta-type ko ngayon sa harap ng bulok kong laptop.

TRUST. Hindi po yung condom. Yung yun na yun. Yung dapat ibigay sa taong mahal mo kapag mahal mo siya. Kapag isang beses pala na hindi nakamit nung TRUST na yun yung expectation mo sa kapartner mo para matawag mong TRUSTWORTHY ang isang relasyon, eh napaka-hirap pala.

Totoo lang, OA lang ako. Napakaliit na bagay ang pinagmulan ng pagka-punit sa dalawa ng TRUST ko sa boypren ko. Maliit na bagay na ang hirap hirap hirap itapon paalis sa utak ko na maliit lang din naman.

Dumating na sa point na NANINIWALA naman ako sa sinasabi niya, pero may part ng utak ko o ng puso ko (hindi ko alam sa dalawa) ang nagdududa inspite na GUSTO KO MANIWALA sa kanya.

Pero kagabi, I'm so proud of myself. Mag-iinvestigate na naman sana ako sa kanya, babatuhin siya ng mga tanong na mapanghusga, pero, pinigilan ko sarili ko at ang nangangati kong dila. Naisip ko na NGAYON, ngayon ang time para huminga ng malalim at magtiwala.

Nagtiwala ako. At yung mga pagdududa ko, parang nag-fly away lang ng kusa, yung di ko ma-explain na gumaan yung pakiramdam ko. Hirap kase sa tiwala, nakaka-burden lang sa sarili at sa relasyon pag pinilit mong i-snobin.

Ang hirap din, kase hindi ko naman masusulat sa post na toh kung PAANO kung may ginagawa naman talagang di kanais-nais ang mga kapartner niyo, ano na ang gagawin niyo.

Tingin ko technique lang jan, wag masyado mag-isip. SIMPLE LANG ANG BUHAY. Kung di ka niya kaya mahalin ng patas katulad ng kung anong kaya mong ibigay, MAHALIN mo pa rin siya. Mahalin mo siya ng buo, patas, hanggat panahon niyo pa. Pag nagmahal ka, siguraduhin mong mawala man siya o hindi ngayon sa buhay mo, eh wala kang pagsisisihan. Ibinigay mo ang lahat, kaso hindi lang kayo para sa isa't isa.

Monday, May 30, 2011

Pakatok sa puso mo muli.

TAGAL KO NAWALA NOH? 

LIPAT BAHAY AKO

MGA TUNAY NA KAIBIGAN 
PUNTA KAYO SA SITE NA TOH----> ITO!

NGAYON NA! :) :) :) 

Sunday, May 8, 2011

Sampaguita sa Tabi ng Duyan

Scheduled Post.


This is an entry sana sa Kablogs Journal, by the time na ini-schedule post ko toh, di ko talaga sure kung ma-pupublish ito sa TKJ, but anyway, publish or not, this is my gift for all the Moms out there, specially to the best mom in the world, love you Mama koy! Happy Mother's Day!

Gickr helps you to pimp your myspace

Maulap ang paligid. Maliwanag ngunit malabo. Naaninag kong naka-paa ako, nasan na ba Rambbo kong tsinelas? Di na ako nag-isip pang muli, lumalakad na lang ako sa mayamang lupa na tinatapakan ko. Hinahanap ko ang amoy na naglalaro sa pangong ilong ko. Ang amoy na yun na nagkalat sa paligid, amoy ng sampaguitang nakatanim sa bakuran namin nung bata pa ko.

Isa, dalawa, tatlong hakbang. Ininspect ko ang paligid ng makalibong, maka-trilliong, maka-zilliong beses. Wala naman ang sampaguita. Pero may duyan, kakaibang duyan na may kakaibang kulay, kulay pula. At nandun si Nanay, nag-aaya na humiga ako sa hita niya. Nakangiti siya at nakaabot ang kamay. Tara dito masarap ang lilim ng puno.

Tumakbo ako sa malambot na lupa, at hanep na hindi ako nadapa. Humiga ako sa duyan na ang unan ay ang aking Nanay. Sinuklay ng maliliit na daliri niya ang maninipis na hibla ng buhok ko. Hanggang sa makahuli ay may nilabas siyang puting bagay na may berdeng maliit na tangkay, malambot at mabango. Isiningit niya sa tenga ko.

Ngumiti siya, tinitigan ako ng pagkalambing at inayos muli ang bulaklak nang di mahulog. Ngunit biglang  ang guhit sa mga mukha niya ay nagbago, at malungkot na tumingin sa akin, ako na nakatayo sa malayo. Nakatayo ako sa malayo, hindi man lang ako nagtaka kung bakit samantalang kanina ay nakahiga ako sa kanya.

Sa pagkurap ng mata ko, nawala ang duyan, nawala ang lupa. Pero naaamoy ko pa rin ang bulaklak. Kinapa ko ang bulaklak sa tenga ko, wala. Nasan na si Nanay? 'Babalik ako anak', sabi nung boses. At naiwan ako sa kawalan, nananabik na naghintay. Sinubaybayan ko ang langit, at ang pagbaba at akyat ng araw. Naghihintay sa haplos at kalinga ng Nanay na naghihirap sa bansa ng iba. Kailan kaya siya babalik? Pagbalik niya ako pa rin ba ang batang naka-paa?

Hindi na nga ako ang batang naka-paa, pero di ibig sabihin nun di na ako pwede matulog sa hita ni Nanay. Maulap ang paligid, maliwanag at malabo. Nakatulog pala ako habang muling dinuduyan ni Nanay sa duyan na pula. Naglalaro pa rin ang amoy ng bulaklak. Amoy ng sampaguitang hanggang ngayon ay nakatanim pa rin sa malupang bakuran namin.  Amoy ng sampaguitang nakasingit sa tenga ko.

Tuesday, May 3, 2011

Seryoso, bbye na muna!

Seryoso na toh. Babye muna... Mga isang linggo, o mga dalawang linggo o di kaya mga isang buwan. Hintayin niyo ko ah?

At nga pala nagpapacontest na ako. Di mo alam? Di ka siguro nagbasa ng last post ko. Ay hindi. Wala pala akong post tungkol sa contest na yun. Nagsisimula na siya ng di niyo nalalaman. Di ba? Ang saya! Di mo alam kung anong gagawin mo para manalo, magugulat ka na lang isa ka na sa mga babalitaan ko na nanalo. At okay lang naman yun di ba? Kase di mo naman alam kung worth it ba bigyan ng effort yung mismong prize at kase di mo naman alam kung ano nga ba yung prize na yun? Lam niyo na, minsan may pagka-boka ako.

Totoo lang naguguluhan ako kung ano ba i-pprize ko. Ano ba gusto niyo? AT feeling niyo naman pag nag-suggest kayo eh yun talaga ipapa-prize ko, depende na lang kung kaya niyo ako i-convince o utuin. Uto-uto naman ako minsan eh, kaya give it a try.

So ayan na, nagpaalam na ako ah. Bbye!!!

Thursday, April 28, 2011

Kulangot sa Pader.

"ANONG MASASABI MO SA PAPEL NA TO?"

Kung ang sagot mo ay may kulangot ito, may points ka. Pero kung ang sagot mo ay MAY MALIIT NA TULDOK, yan din ang sagot ko nung unang tinanong sa kin yan.

Nakakapagtaka lang noh? Kase pwede ko namang sagot ay, malinis o maputi o yan ay 8.5 x 11 na bond paper. Pero mas nauna ko pang napansin yung kakarampot na tuldok na yun at binigyang pansin ko yun kahit yung papel naman ang hinihingan ng opinyon.

So napalipad sa malayo ang isipan ko at ang na-compile kong reflection tungkol dito ay:

Una, minsan ang isang pagkakamali (super bulinggit na pagkakamali) ay walang panama sa billiong billiong tama. Lalo na kung ang nakagawa ng pagkakamali na yun ay taong pinagkakatiwalaan mo.

Pangalawa, mas madalas tayo manlait kaysa mamuri ng iba. Para bang mauubos ang laway kapag pinuri mo ibang tao, or para bang magkakasakit pag hindi nakapanglait. O di kaya, lage tayo naghahanap ng may mairereklamo sa ibang sitwasyon. Katulad sa TUMBLR, lahat na ng ginagawa ng tao pinakailamanan na. I mean one time may nabasa ako, "BAKIT KAILANGAN SABIHIN LAGE SA FB STATUS NA --"bbye! Sleep na ko!!"". I mean paki ba nila? Mamamatay ba sila pag may mga taong nag-gogoodbye at hello sa status?

Pangatlo, may mga pangyayari na hindi naman big deal, pero ginagawang big deal. Katulad ko at katulad nitong reflection na toh, tuldok lang naman toh, pinapalawak ko pa ang meaning.

Ang totoong naaalala kong explanation tungkol dito ay: MAS NAKIKITA AGAD ANG MAPANGET, KAYSA SA MAGANDA. KAHIT SABIHIN MO PANG SUPER DUPER GANDA PARANG MAG-HA-HIGHLIGHT PA DIN KUNG ANO PANGET.

Pero may iba pa akong gustong ipahiwatig tungkol sa papel na yan bukod sa pwedeng ipamunas yan sa puwet.

Isipin mo na ang papel na may tuldok na yan ay katumbas ng panibago mong araw. Pwedeng may mangyaring di ka-aya-aya today, pero wag mo hahayaan na masira ang kabuuan ng araw mo ng dahil lang sa maliit na bagay na yan. Para bang asahan mo na life is unfair! Life is unfair! Life is unfair! Pag may nangyaring di mo gusto, it's either just to let it go at move-on ka or harapin at tanggapin mo kung ano man yun. Pero syempre depende pa rin toh kung gaano kalaki ang problema, in this case maliit na mga problems lang ang tinutukoy ko, kaya nga tuldok eh. Para naman yung mga iba pang moment ng araw mo eh di masayang kaka-contemplate sa pangyayaring yun. Mas bigyang oras at panahon mo ang magagandang bagay sa araw mo, mga blessings, kase one way or another, for sure may blessing kang matatanggap sa araw mo na yan.

Hayun lang. Ikaw may iba ka pa bang pagkakaintindi sa kulangot na yan? Anong kulangot mo ngayong araw na 'to na pinahid mo lang sa pader or ilalim ng mesa dahil wala ka naman kebs?

Tuesday, April 26, 2011

Wow na wow.

Inspite na tinatamad ako mag-comment naman ng bonggang bongga sa mga blogs niyo, may isang pangyayari na kina-WOW ko din ng bonggang bongga! Hindi niyo ko masisisi, nagpaalam naman ako na tatamarin ako mag-comment sa blog niyo, wala naman ako sinabi na tatamarin ako mag post ng blog. At kasalanan niyo yan na hindi kayo nag-babasa ng post o naskiskip read kayo, pamali-mali tuloy kayo ng mga comment at pagkakaintindi sa pagkasabi kong INVISIBLE AKO! Nakakainit ng ulo. Chos.

Kailangan niyo panuorin ang kabuuan ng video kundi magtatampo ako at kundi hindi niyo malalaman ang kwentong mumu na naranasan ko.



Ang video na ginawa ni AL na tinutukoy ko sa video na ito ay NANDITO. Samantala, kahit na nasabi ko na sa hulihan ng video na ito sa ibabaw ang pasasalamat ko, maraming salamat kay AL at kay NOWITZKI TRAMONTO na bonggang bonggang binigay sa akin ang nakapag-teary eyed sa akin at nag-wash away ng mga ka-mutaan ko this morning:


Para akong nanalo sa beauty pageant with matching kaway-kaway at flying kiss sa audience! Chalamattt!!! Hmwuuah!

Hayunnn lang! Madaming salamat din sa mga walang sawa na dumadalaw dito. At dahil dito magpapa-contesh me!! Join kayo ah??? Wait niyo na lang medjo matatagalan bago ko ilabas ang contesh na iyon!

Sunday, April 24, 2011

Doodle: Alam ko.

Pasensya na kung tinamad ako mag-explain sa huling doodle. Ang doodle series ko po ay maikling mga paliwanag lang ukol sa 3 stages ng relationship, ito lang naman ay ayun sa napagdaanan ko. So highly opinionated po ang mga ito.

Sa unang stage, ang aking Doodle: Kape, ito po ay patungkol sa pagpapakita ng isang lalake ng kanyang interest na makilala ang kanyang like na girl at ang pagpapakipot naman ng babae. Sa panahon kase natin now, madame na ang mga girls na voice out na talaga sa kanilang feelings with the guys. The best pa rin magpaka-classic.

For today, ito ang 2nd doodle ko.



Di ka pa kumakaen, kaen tayo.
Sige kaen tayo.
May tindang palabok sa kabilang kanto.
Oo nga, paanong mong nalaman gusto kong palabok.
Kahapon ka pa kaya nagmumukmok.


Ang 2nd stage na ito ay patungkol naman sa lalake na marunong makinig. Makinig here means you sincerely know kung anong effort ang dapat mong ibigay sa girl kahit na hindi niya dinedemand yun mula sayo.

Efforts doesn't always need to be a material object, ang simpleng pag-protect mo sa kanya from a crowd of people, ang pag-salo ng kamay niya pagbaba ng jeep, ang unang humawak sa kamay niya when she least expect it are all different unique kind of effort na may plus, dahil ibang kilig ang maibibigay nito sa iyong partner.

Familiar ka ba sa convo kung saan sinabi ng girl na -- di mo man lang ako bla bla bla -- then the guy said -- oh! sige gagawin ko yang bla bla bla -- and the girl back fire hot headed like -- ayuko na! wag na!

Actually medjo mali din ang girl na maging demanding ng ganyan, kase di naman si Madam Auring ang kanilang bf. Pero ang gusto ko lang linawin eh bakit AYAW na niya, inspite sinabi mo na gugustuhin mo ng gawin yun para sa kanya.

It's not the effort guys, but the level of willingness you can give. Ayaw naman namin na ginusto mo lang ibigay yun dahil nag-demand kame. Para kang nagsunod-sunuran lang sa min. I'm sure girls involuntary speak without thinking of what they want, so, it's up to you kung nakikinig ka ba.

Friday, April 22, 2011

Invisible muna ako.

Ang prisensya ko sa mga blog niyo ay pansamantagal na mawawala. Tagu-taguan maliwanag ang buwan, masarap maglaro sa dilim-diliman. Nagpapaalam ako kase baka magtampo kayo sa di ko pagdalaw sa blog niyo. Ang nag-iisang totoong dahilan lang naman sa likod nito ay NITATAMAD AKO. Yun nga lang di ako tinatamad magsulat.

Nandito pa din ako, ilang blogs pa din ang dadalawin ko, sa FB pa din at one twit away lang din. Kung may need lang kayo sa kin, PM niyo lang ko. Ayun lang. Nagpapaalam lang talaga. Actually simula na pala ngayong araw ang pagka-invisible na ito kase nung isang araw pa talaga ako tinatamad.

Natry mo na ba gawing excuse ang katamaran sa school at work? Pwes good news, sa blogsphere pwedeng pwede. So bali uulan ng scheduled post buong month of MAY. At magiging walang kwentang kapitblog ako kung mahilig ka magbilang ng comments mo.

At lastly mamimigay din ako ng gift by the end of MAY. At dahil di naman ako mayaman, simple lang yung gift at isang blogger lang mabibigyan ko. Pipiliin ko lang yun personally sa mga mag-cocomment pa rin sa blog ko kahit di ako dumadalaw back.

Hayoon lang! Chao!

Thursday, April 21, 2011

Update

Wew! Kailan ako huling nag-update? Grabe flowing of ideas ang utak ko lately. Dame ko dinadaldal, puro skip read naman nagbabasa. Anyhooow howwwsey.

Bago ako magyabang ng updates ko, sino mahilig sa chicks jan? Hahaha I have a friend name DONNA and you might wanna check her blog: Precious Melody. Ang super beautiful former classmate ko, with model looks. I think she's not that new na rin sa blogging but I was hoping you guys could meet her. She's my former classmate in college at tsuper beauty and pretty ng kanyang blog!!

So now, pwede na ko magyabang. Tatlong bagay lang naman ipagyayabang ko. Una I have my blog icon na!!! :) Isn't that great? Englesh yan. Nadalaw ko lang kase si Rose Marie nitong nakaraang araw at nagka-blog icon na din siya. Sabi ko paano yun? (Sa isip ko lang sinabi yun ah). At dahil likas na inggitera, naghalungkat ako sa internet paano. Thank you sa basic knowledge ko sa HTML at successful ko siyang nagawa.

Ay kung di mo pala alam ang blog icon at tanga kang katulad ko, kase nung sinabi ni Rose yun as in natanga ako eh, san yun te? I-scroll ako ng i-scroll nasa tuktok pala, so eto yun... kung di mo makita pindot mo na lang para mag-zoom.


Tapos if you wanna know how ko nagawa, hanap ka sa internet, pero as in nag-trial and error kase ako sa pag-lagay, so kung di nag-work out yung instruction sa internet, request ka lang dito if you want me to blog how I did it.

Tapos ang pangalawa kong ipagyayabang naman ay uhmm.... inedit ko yung about me page na mula sa  THE KILLERS eh pinalitan ko ng title na KAMILKSHAKE. Need ko opinion niyo kung ang jologs pa din ba ng dating nung page na yun. Pati nagdagdag din konti sa iba pang page. Hayoon lang....

at lastly...itong new signature ko sa baba...  watya think about it? Sa picnic.com lang naman ako nag-eedit... troollololololol.

Wednesday, April 20, 2011

One of the Most: Makati Past time

Ang One of the Most ay mga collection ng mga kwentong wasted mala-kamila. Alam kong purga na kayo sa chismis na ito, pero for the sake ng mga di pa nakakaalam, muli, ako po ay nag-moro-moro sa Mendiola, Makati at Mendiola ulit, 1st, 2nd, 3rd year, respectively, same university. Ito lang naman ay para lang po di matanga sa mga susunod na kwento.

Info about Exam Bukas (one)Dahil nga maaga ako nagising nung araw na yun, nakapag-exam ako at pumasa naman.

Pumili lang ng isang kwento kung tinatamad mag-basa:


***
     1One time, sa kalagitnaan ng langoy-langoy namin eh umulan ng matindi at gabi na nun. I know madameng nag-eenjoy kapag nag-sswiming sabay umuulan, kumanta ako nun ng "Heto akoooh, basang basa sa ulaaann walang masisilungann.. walang malalapitaaaaa---aaan!" Phobiang phobia ako nun. As in di ako makahinga, di ako makahinga, di ako makahinga at hindi ako makahinga. Halos lahat lasing na din, yung iba nagswimming na sa labas ng swimming pool kase baha na din naman, may iba pa na pinapaliguan na sa banyo kase tumba na.

     Natakot lang siguro ako sa fact na walang masilungan, kase dati nagswimming naman ako ng umuulan, at may cottage kame nun, at di ako natakot. O baka nag-inarte lang ako. Pero di naman kase ako maarteng tao, at para akong na-claustrophobia. Na claustrophobia ako sa ulan everywhere. Pool lang kase siya at banyo, walang cottage. Nandun lang ako sa gilid, alam mo yung maliit na space na pwede mo pa silungan gawa nung sobra ng bubong, dun ako sumilong ngunit di sapat.

     Nangyari, umuwi na lang ako. May nakasabay naman akong klasmeyt pauwi, at naligaw kame sa Pasig palengke.

***
     2Ito naman umahon na ako sa pool, katunayan sinuot ko na nga jacket ko kase malamig, pero di pa ko nagbanlaw nun kase maaga pa ang gabi. Dahil nasa pool lahat ng barkada, umupo na lang ako sa gilid ng pool habang nakasawsaw yung paa ko sa tubig. Ayuko na talaga mag-swim nun. Ako na lang taga-tagay sa mga nag-sswimming.

     Ayun, nagulat na lang ako kase nasa gitna na ako ng pool at naka-jacket pa din. Maya-maya niyayakap na ako nung mga lasing ko na din na mga klasmeyt, sa isip ko bakit? ay tanga, umiiyak na pala ko, bakit ako umiiyak? Hagulgol eh! Dami kong sama ng loob, parang nagbuburol lang. Babyng-baby ako talaga sa mga Makati klasmeyt ko. At nung time na yun ang dahilan ko kaya naging emotional ako, kase grabeng miss na miss ko na sila kasama araw-araw. Parang gusto ko mag-sisi na iniwan ko sila dahil bumalik akong Mendiola.

     Inahon na ako nung klasmeyt kong lalaki, hiniga ako sa bangko. At bumulwak ang katotohanan, naglinis tuloy siya ng suka ko ng wala sa oras. First stime kong umiyak sa inuman, akala ko kase ginagawa lang yun ng mga na-heheart broken. Binihisan at pinalitan ako ng damit nung mga klasmeyt ko. Dito natutunan ko na pag nagtatagay ka, tagayan ang mga kainuman, hindi ang sarili. Umuwi tuloy ako nun na mabigat ang bag dahil sa basang jacket.

***
     3Ito yung Exam Bukas (two) sana, pero di kase ako natuwang gawan pa ng isang mahabang post ito: Naipit ako one time kase nasaktong exam week ko at sa gabi ng 2nd day exam yung birthday ng klasmeyt ko na gaganapin pa sa Pansol. Bali kinabukasan may exam ulit. Pero dahil ubod ako ng galing sa time management at prioritization, pagkatapos ng 2nd day exam, deretso pansol ako. Naka-OO na kase ako. 

     So nagswimming na kame, nag-inuman na. Ito baso, sige drink all you can ang eksena ng The Bar. At pasado 5am, nagpumilit ako magbanlaw. Walang tulog, walang keme-keme, bangag at lasing akong sumakay ng ordinary bus ng madaling araw pauwing Manila galing Los Banos. Halos lumipad yung bus na yun na sinakyan ko, pero wala naman akong paki dun sa driver kung gusto niya kame idamay sa pagpapakamatay niya kase busy ako magtulo-laway. Ssssuup... balik sa labi. Yung 2 oras na byahe papunta kahapon eh 5 minutes lang yata nitong madaling araw. Roller coaster sa SLEX.

     TY naman na walang nag-atubili na nakawan ako (siguro mukha akong taong grasa nun), pero kada naaalimpungatan ako, iba na yung katabi ko. Dahil sa sobrang take note ko na umuwi ng maaga, walang traffic kaya ang dilim pa din pag dating kong Lawton. Dito ko naman naisip na pwede mong sabihin sa sarili mo na, "hindi ako lasing" (3x till fade) kada mafi-feel mong pa-sway-sway ang earth, para makauwi ka pang buhay. (Pero I don't encourage drunk driving ah). Successful akong nakapag exam muli. At yes pumasa naman ako.

Welcome ang skip read sa post na ito. Kaya kung wala ka sa mood magbasa, kwento ka na lang kahit anong feel mo sa comment box.


Salamat sa mga nag-atubili na magsagot last time: Kuya AkoniTe IyaMommy RazzMayenHalojin, at JaySa mga di pa naligaw sa mga blog na yan, time na para mag-ala cast away. Korny ko lang.

Monday, April 18, 2011

Doodle: Kape


Kamusta?
Okay lang.
Ganda mo ngayon.
Salamat.
Kumaen ka na?
Oo.
Anong kinaen mo?
Pulang itlog at kamatis, kanin.
Sarap?
Okay lang.
Ano ginawa mo ngayong araw?
Wala lang.
Ano mga hilig mo gawin?
Kung anu-ano lang.
Eh manuod ng sine?
Pwede.
Mag-kape.
Uhhh...
Kwento ka.
Anong kkwento ko?
Wala ka ba makwento?
Mahilig ako sa kape.


Abangan: 
Doodle: Alam ko.

Saturday, April 16, 2011

One of the Most: Exam Bukas (one)

Ito ang first part ng kwentong One of the Most. Ito yung mga compilation ng kwentang wasted ng buhay ko. Hindi naman sa pinagmamalaki ko pang wasted ako, pero totoo lang memorable lang kase. Ito din ang patunay na baka hindi ako ang taong akala niyo. Nireremenisce ko lang kase congrats at 5 months na akong walang tungga. Simulan ko na.
***
Naalimpungatan ako, sabay panic, anong oras na? Relax 6:30 pa lang! Araaaayyy... mabagal-tamad kong sinabi. Exam pa mamaya 8am. Hinimas ng palad ko ang malapad kong noo, sakit ng ulo ko. Anong nangyari? Suot ko pa rin ang fuchsia kong blouse at brown na short na suot ko din kagabi, at shet, ang monstrous ng dating ng talampakan ko! Sang bang lupalop ako nanggaling kahapon?

Mabilis ako nagpalit ng malinis na shirt at naghugas ng paa sa banyo. Baba ako sa cafeteria ng dorm na hindi pa man bukas. Tubig agad ang tinungga ko, sobrang dehydrated at ang daming fatigue ng katawan ko. Habang hinihintay ko ang order kong hotsilog, tinawagan ko muna si Mayk, unlicall kase.

"Kagigising ko lang. Nangyari kagabi?" Tanong ko na parang nagka-amnesia.
"Grabe, inaakbayan mo nga balikat nung tatay ni Jay eh!!"

Pagkasabi na pagkasabi pa lang niya nun, parang mabilis na nag-click rewind sa utak ko lahat ng nangyari.

Graduation party ng tropa ni Mayk, pumunta ako mag-isa. Layo ng konek noh? Tropa niya pero ako nag-punta. Close naman ako sa kanila, ang problema si Mayk, out-of-reach pa rin ang phone. Kala niya kase big time na 1 day lang kahapon ang work na inalok sa kanya sa Subic, kala niya uuwi din siya sa hapon, kaya walang dinala kahit ano kundi t-shirt, tubig at 100.00 lang. Gulat siya eh 1 week pala, pero gagawan daw nila way para makauwi.

Kaya yun, nauna na ko sa inuman. Lahat ng bagong dating napapatanong, "oh san na si Sendo?" Sendo kase tawag sa kanya ng mga tropa niya. Ako naman todo explain.

Isa, dalawa, tatlong oras nakalipas, di pa rin dumadating si Mayk, alalang alala ako kase gabing gabi na. Pang-apat na oras, di ko na maalala, pang-lima malayo na ako sa katotohanan, pang-anim lahat kinakausap ko na. Hanggang sa maya-maya sumigaw isa sa tropa niya, "Nag-riring na cell ni Sendo!"
Ako, si Boss, at yung bag kong floral nasa likod ni Boss

Galit pa ko, "Baba mo yan! Baba mo yan! Ako tatawag!" Halos maiyak ako nung tinanong ko nasan na ba siya, alalang-alala ako, at yun siya ay naliligo. Toink! Sobra daw kase baho niya na, dahil nga wala siyang dala kahit ano, pawis na pawis siya sa work.

Hanggang sa ayun, pagdating niya sa place, wasted na ko. Lahat na inaakbayan ko, lahat dinadaldal. At ayun, uwian na, hinatid ako ni Mayk at pagbaba ng jeep sa Legarda, upo ako sa banko malapit sa dorm. Grabe parang gusto ko na nga humilata dun sa banko at dun matulog. Di ko kinaya hanggang sa binulwak ko na bituka ko all over the place. Di ko alam nangyari pero nakita ko si Mayk bumili ng mineral sa ministop, isang litro at nilinis ang eksena ko. Sosyal lang.

Hinatid na ko sa gate ng dorm, tapos sinisigawan niya ko (ni Mayk) na, "Huyy.. bhe..! Bhe! huyy!" With intervals yan ah. Di na ko lumingon kase di ko na kaya. Inakyat ko ang 3rd floor, hinalungkat ang susi ng kwarto sa bag, bukas ng pinto, hagis ng bag sa kama, hagis ng natirang mineral sa lamesa. Sabay dive sa malambot at mabango kong kutson.

Bumubulong ako, "contacts ko.. contacts ko... contacts ko.." Tumayo ako kaunti kahit nakadapa sabay tanggal ng contact lens ko. Yan ang isang bagay na hinding hindi ko makakalimutan  tanggalin. Sabay bulong pa ulit, "alarm... mag-alarm ka.. alarm.." Kase nga may exam pa ko ng 8am. Wala akong idea kung nagising ba mga ka-roomate ko sa comosyon ko.

At yun, bumalik na ulit ako sa kausap ko.
"Shet!" Natawa na lang ako.
"Nakakahiya, ayuko muna magpakita kila Jay, o kahit kanino na katropa mo."
"Kaw kase eh, nga pala may bote ng wine sa bag mo.."
"Waat? Ooh?! Sira ka bawal alcohol dito sa dorm"
"Binigay ng tatay ni Jay, lake kase ng bag mo jan tuloy tinago ni Boss. Tinatawag kita kagabi, baka ihagis mo sa sahig bag mo.."

Inisip ko pa.. "Buti sa kama ko hinagis! Adik ka!"

Quiz kung nagbasa ka:
1. Nung finally natawagan ko na si Mayk, anong ginagawa niya?
2. Anong floor ang kwarto ko sa dorm?
3. San ko gusto humilata at matulog?
4. Pumasa ba ako sa nangyaring exam?


Okay lang na di sagutan, hindi ako demanding, at wala din naman reward. Smile lang.